Former Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III on Monday endorsed the full senatorial ticket of the Alyansa Para sa Pagbabago.
Pimentel, now running for congressman of Marikina’s first district, said the administration’s senatorial slate is made up of experienced and capable leaders who can help President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. pass important laws and fulfill his plans for the country.
“Let’s help President Bongbong Marcos succeed by electing the senators he has endorsed,” Pimentel said. “I have personally witnessed his sincerity, his deep love for the country, and his genuine concern for all Filipinos—regardless of political affiliation.”
“We are all passengers on the same ship,” he added. “It’s in our nation’s interest to support the President and ensure the success of his final three years in office.”
The Alyansa Para sa Pagbabago is composed of leaders with real experience—former senators, governors, mayors, congressmen, and cabinet secretaries—who understand the work and have a genuine heart for public service, according to Pimentel.
“They have written laws, rebuilt communities after disasters, managed national agencies, and governed cities and provinces. They know what needs to be done,” Pimentel stressed.
“Sa kapwa ko Pilipino, iboto po natin ang buong tiket ng Alyansa. Use your ‘KoKote,’” Pimentel said. – END
Tabloid version:
Gamitin ang KoKote!’: Koko Pimentel inendorso ang Alyansa Para sa Pagbabago
Todo-todong suporta ang ibinigay ni dating Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III sa buong senatorial slate ng Alyansa Para sa Pagbabago.
Si Pimentel, na ngayo’y tumatakbo bilang kongresista ng unang distrito ng Marikina, iginiit na ang mga kandidato ng Alyansa ay subok na sa serbisyo—mga beteranong mambabatas, gobernador, alkalde, kongresista, at dating miyembro ng Gabinete—na may alam sa trabaho at tunay na malasakit sa bayan.
“’Pag sila ang nailuklok sa Senado, siguradong may katuwang si Pangulong Bongbong Marcos sa pagpasa ng mga batas at pagtupad ng kanyang mga programa para sa bansa,” ani Pimentel.
Aniya, naramdaman niya mismo ang sinseridad at pagmamalasakit ni Marcos sa mga Pilipino, anuman ang kulay ng politika.
“Lahat tayo ay sakay sa iisang barko. Kaya dapat lang na tulungan natin ang ating Pangulo na magtagumpay sa huling tatlong taon ng kanyang termino,” dagdag pa ni Pimentel.
Binida ni Pimentel ang mga tumatakbo sa ilalim ng Alyansa Para sa Pagbabago, na aniya’y may konkretong karanasan sa pamumuno at pagsisilbi sa publiko.
“May mga batas na silang naisulat, may mga lugar na silang naibangon mula sa kalamidad, at may mga ahensiyang kanilang pinatakbo. Alam nila ang dapat gawin,” diin niya.
“Kaya sa kapwa ko Pilipino, iboto po natin ang buong tiket ng Alyansa. Gamitin ang inyong KoKote!” paalala ni Pimentel.